Friday, July 18, 2014

Epekto ng Bagyong Glenda sa Pilipinas

   
  2014 na, ilang malalakas na bagyo na ba ang nagdaan sa Pilipinas?, natuto na ba tayong mga Pilipino?  
   Ika 15-16 ng Hulyo, taong kasalukuyan, muli na naman tayong nakaranas ng hagupit ng bagyo. Maraming buhay at ari-arian ang naapektuhan sa kanyang pananalasa.Takot, kaba ang namayani sa puso ng maraming Pilipino sa kanyang pananalasa.Makalipas ang bagyo, tumambad ang tunay na epekto sa mata ng maraming mga Pilipino. Bumuhos ang tulong mula sa iba-t-ibang sektor, pampubliko man o pampribado. Ngunit marami rin naman ang nakaligtas. Para sa ating mga nakaligtas, ito ay magsisilbing aral upang lalo tayong maging mapagmatyag at laging maghanda sa mga darating pang ibat-ibang uri ng kalamidad gaya ng bagyo. 

     

      

No comments:

Post a Comment